Kilalanin at Palaguin ang galing ng mga Kabataan

Note: Ang mga sumusunod na mga artikulo ay para sa pagdiriwang ng “Year of the Youth ngayong 2019. Ito ang aking maiaambag ukol sa pag-aalaga ng mga kabataang Generation Z. Nakabase ang lahat nang ito sa McCann-Erickson Youth Survey 2018 na ibinigay sa isang panayam sa Ateneo de Manila University. Ito ang unang (1/8) payo ayon sa aking mga karanasan. Sana makatulong.

Naalala niyo pa ba ang kantang, “Kaleidoscope World” ng Parokya ni Edgar at Francis Magalona? Ganito ang lyrics, “So many faces, so many races, different voices, different choices”…(at ang koro) “every color and every hue is represented by me and you.”

Ayon sa bagong McCann-Erickson Youth Survey, kaleidoscope na ang bagong mundo ng mga kabataan ngayon. Dahil sa internet, hindi na kapani-panibago sa kanila ang halo-halong mga taong nakakasalamuha nila. Ang iba pa nga, nakakalaro ang iba’t ibang mga bata sa kabilang bahagi ng mundo sa kanilang computer games.

Dahil dito, lumalabas na rin ang sari-saring mga galing ng mga kabataan ngayon. Ang iba pa nga’y nagiging YouTube celebrities dahil sa pagpapakita ng kanilang talento hindi lang sa sayaw at kanta kundi sa paglalagay ng make-up, pagdiskubre ng masasarap na kainan, atpb. May mga batang yumayaman dahil nagbibigay sila ng review sa mga laruang gawa ng mga kumpanya.

Sa pagpapalaki sa ating mga anak, kilalanin, at higit sa lahat, palaguin ang galing ng mga bata ngayon. Dahil ang lahat ng talento ay galing sa Panginoon. Ibinigay Niya ang lahat nang ito  upang gamitin sa paglilingkod sa kapwa, at pagpapakilala sa Kanyang dakilang pagmamahal.

Manalangin tayo. O Dios na makapangyarihan, bigyan mo kami ng angking pusong may malasakit sa kabataan lalo nang itinagurian itong taon bilang, “Year of the Youth.” Amen.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s