Kawili-wili ka ba?

Sa kanyang librong “Enchantment: The Art of Changing Hearts, Minds and Actions,” hinihimok ni Guy Kawasaki, isang social media expert na kaya nating maging kawili-wili o kaakit akit upang mabago natin ang puso, isipan at gawain ng mga tao.

Nang nabasa ko ang libro, napaisip ako ukol sa simula ng tinatawag nating the “Public Ministry of Jesus,” kung saang tinawag niya ang kanyang mga disipulos sa iba’t ibang paraan. Ngunit pare-parehong nakakabigla ang kanilang tugon sa kanyang tawag: bigla na lamang iniwan nila ang kanilang buhay. Nang tinawag niya sina Simon Pedro, Andres at Juan, at kahit si Mateo, iniwan nila ang kanilang hanap-buhay at pamilya.

At bakit ganoon na lamang? Dahil si Jesus ay nakakabighani! Magaling siyang magsalita, magaling magturo, napakaganda ng kanyang personalidad! At higit sa lahat, ginagawa niya ang kanyang salita. Ang tinuro, isinasabuhay. Kung ano ang salita, iyon din ang kanyang pagkatao.

Kapag sinabi niyang, “Walang hihigit pa sa pagmamahal na ito: ang ialay ang kanyang buhay para sa kanyang kaibigan” —pinakita niya ito hanggang kamatayan. Kung may kaibigan akong tulad ni Hesus, hindi ko siya bibitawan. Hanggang kamatayan din ako!

Kaakit-akit ba tayo, tulad ni Hesus?

Hindi kagandahang panlabas, kundi kabigha-bighaning  pagkatao na nakikita sa mabuting asal, pakikitungo sa kapwa, at may paninindigan. Kung nangangako, hindi pinapako ang pangako. Are we enchanting enough to bring people to God?

Manalangin tayo: Panginoon, nawa’y maipakita namin ang iyong kaakit-akit na mukha sa pamamagitan ng pamumuhay na ayon sa iyong mga salita. Amen.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s