Itago na natin siya sa pangalang Mariana. Ikinuwento ni Miriana ang kanyang karanasan ng bullying sa pamamagitan ng mga masasakit na salitang may patama sa kanyang pagiging muslim kahit na ginagawa ito sa pamamagitan ng biro. Meron tayong tinatawag na SCRAM, Stop Casual Racism against Muslim.
Ngunit ang iba’t ibang uri ng pang-aapi ay hindi lamang sa mga Muslim—ang Kristiyanismo, lalo na ang Katolisismo, ang siyang numero uno na dumadanas nito sa buong daigdig, kaya may tinatawag na Red Wednesday, kung saang iniilawan ng pula ang mga simbahan bilang protesta sa ganitong karahasan.
May pang-aapi din sa indigenous peoples, at mga kapatid nating iba ang kasarian. Higit sa lahat, sa mga bata. Ayon sa United Nations Children’s Fund o UNICEF representative na si Lotta Syllvander, ang bullying ay isa sa mga isyung hinaharap ng mga kabataan sa kasalukuyan. Nararanasan ito sa kanilang bahay o paaralan.
Paano nating kitilin ito? Ang mang-aapi, ayon sa Psychology, ay biktima din ng pang-aapi sa bahay. Kung papalakihin natin ang ating anak sa respeto at pagmamahal sa kapwa, lalaki din itong mapagmahal.
Manalangin tayo: O Diyos, anak mo ang lahat ng taong hinubog mong natatangi, tulungan mo po kaming respetuhin ang pagkakaiba naming lahat. Amen.
Salamat po sa pagninilay na ito. God bless you more.
PS Gusto ko yung mille crepe ang pic na kasama nito!
LikeLike
UP Town lang yung mille crepe. Haha
LikeLike