Liwanag at Dilim

Liwanag at Dilim. Balikan po natin ang nagtatapos na taong 2018. Isang mabiyayang bagong taon po sa inyong lahat.

Kumusta po ang inyong nagkaraang taon? Puno po ba ito ng kasiyahan o bumaha ito ng luha? SKL o share ko lang po: lumipas ang taong 2018 sa akin na siksik ng maraming adjustments dahil sa maraming pagbabago na parte ng aking trabaho. Paglilipat sa bagong campus ng paaralan. At mga panibagong hamon sa pagtugon sa mga pangkasaluyang isyu ng kalikasan, kapayapaan sa Mindanao, atpb. Sa lahat ng ito, tinatanong ko sa aking sarili: Kailan ba ako naging malapit sa Diyos, at kailan ba akong lumayo sa Diyos?

Hindi lahat ng kabiguan ay isang kadiliman. Kung natuto tayo sa isang pagkakamali, ito’y ituturing nating liwanag. Hindi lahat ng masakit ay isang karimlan. Maraming masakit, ang naging daan sa pagbabago at kabutihan. Sa kabilang banda, hindi lahat ng kasiyahan ay isang kaliwanagan. Kung ang ating tagumpay ay naging sanhi ng ating pagiging mapagmataas sa kapwa, ito’y isang kadiliman. Iisa lamang ang ating basehan sa paghuhusga sa liwanag at dilim: naging malapit ba tayo sa Diyos, o naging mas malayo tayo sa Kanya?

Mainam na balikan natin ang nakaraan. Hindi para makulong sa nakalipas, kundi para maka-usad tayo sa hinaharap nang mas magaling at mas mabuting tao. Upang lalong lumalim ang ating ugnayan sa Diyos, kapwa’t kalikasan. Magpasalamat muna tayo sa mga biyaya ng nakaraan; humingi tayo ng tawad sa Diyos sa ating mga naging kasalanan; at sa gayon, ipanalangin natin ang lakas ng loob upang matupad natin ang anumang nais nating pagunlad. Happy new year po sa inyong lahat. 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s