Hindi naglaho ang yumao.

Nalalapit na ang Todos Los Santos at dadalawin na naman natin ang mga minamahal na yumao. Sa aking buhay ang pinupuntahan ko ay ang aking mga magulang. Sa pag-aalala sa kanila, nalulungkot ako. Dahil may nawala sa aking buhay. May absence. May kulang at hindi na kumpleto ang aking pamilya.

Ngunit ang pagdalaw ay isa ring pagpapaalala na ang yumao ay hindi kailanman naglaho. Sa ating pananampalataya sa Diyos, alam natin na ang lumisan ay makikita pa rin natin kapag panahon na natin.

Kaya ang tawag natin: sumakabilang-buhay. Pumunta sa isang mas mabuting buhay na malaya sa anumang sakit. Tuwing nagkakaproblema kaming mga magkakapatid, napapanaginipan namin ang aming mga magulang, dahil naririto pa rin sila sa amin.

Ngunit ang mas mahalaga ang alalahanin ang kabutihang ginawa nila sa atin upang sa pagpapasalamat sa kanila, maipapasa natin ito sa ibang tao. Sila ang nagsisilbing inspirasyon sa pagpapakabuti.

Manalangin tayo: O Dios na makapangyarihan, lingapin mo nang buong giliw ang aming mga puso upang ikaw lamang ang ibigin at paglingkuran ka sa aming kapwa. Amen.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s