Matapang nating harapin ang kinatatakutan: ang mga puno ni Mang Nestor.

Matapang nating harapin ang iyong kinatatakutan! Para sa mabungang buhay, tayo na’t magkape’t pandasal.

Itinanim ni Mang Nestor ang maraming puno sa isang parang. Nais niyang patubuin ito nang sabay-sabay, hindi lamang para maging maganda ang kanilang tubo, kundi para hindi sila basta bastang natutumba ng malakas na hangin.

Ngunit hindi ito gusto ng mga puno. Sa bawat ihip ng malakas na hangin, yumuyuko sila upang maiwasang masaktan at mabali ang kanilang mga sanga. Kahit lagyan pa ni Mang Nestor ng suportang kawayan upang tuwirin ang kanilang tubo, patuloy nilang iniwasan ang hangin.

Maliban na lamang sa isang narra na nakatanim sa gitna ng parang. Hindi nito iniwasan ang hangin at habagat. Sa bawat ihip ng hangin, tuloy ang kanyang paglago. 

Namatay na si Mang Nestor pagkalipas ng ilang taon, at naging malungkot ang dating parang. Lahat ng mga kahoy roon ay pawang baluktot, kaya naririnig sa buong bayan ang panaghoy nila. Masakit pala sa bagong usbong kapag balikuko ang mga sanga. Maliban na lamang sa matatag na narra.

O Diyos, biyayan mo po kami ng tapang upang hindi kami matutumba ng kahit anong unos na dumating sa aming buhay. Amen.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s