Para sa nega: Isang bugnutin na punong-kahoy

May kuwento ako ukol sa isang bugnutin na punong-kahoy. Nakatayo itong kahoy sa gitna ng kagubatan. Kahit ito ang pinakamalaki sa buong gubat, ito’s walang kasama sa kanyang kinatatayuan. Walang ibon ang dumadapo o tumitira sa kahoy na ito. Wala ring mga hayop ang nagpapahinga sa lilim nito. Kahit ang pinakamatapang na hayop, ayaw itong lapitan.

Walang may gustong makipagkaibigan sa nega, mareklamo, at mapuna.

 

Nang dumating ang taglamig, nalagas ang kanyang mga dahon. Dahil wala itong maaaring maging kumot, lalong damang-dama ng puno ang lamig. Isang araw, napadaan sa kinaroroonan ng puno si Dolly. Inutusan siyang mamulot ng mga panggatong. Nang nakita niya ang puno, kinuha niya ang kanyang balabal at inilagay sa mga sanga nito. Labis na nahabag si Dolly sa punong kahoy.

 

Nang dumaan ang taglamig at sumibol na muli ang mga halaman, nakita ng mga hayop ang pagbabago sa punong kahoy. Nawala ang kanyang pagiging bugnutin, at binuksan nito ang kanyang mga sanga na tila nang-iimbita sa lahat na magpahinga sa kanyang lilim.

Nagmula noon, naging masaya ang paligid nito.

Manalangin tayo: O Diyos, buksan mo ang aming mga mata na makita namin ang kagandahan sa aming paligid at higit sa lahat sa mga aming kapwa-tao. Amen.

 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s