Natagpuan na ang pinanggalingan ng kaligayahan! Ang sikreto ni Andres.

Natagpuan na natin ang pinanggalingan ng kaligayahan! Para sa mabungang buhay, tayo na’t magkape’t pandasal.

Isang masayahing bata si Andres. Kahit wala siyang pera, o laruan, o mga magulang, hindi nawawala kay Andres ang wagas na ngiti at magalang na salita.

Nagtataka ang lahat na nasa bahay-ampunan, lalong-lalo na ang mga taga-alaga nito. Walang umaampon sa kanya dahil hindi kaaya-aya ang kanyang hitsura, kaya mas nakukuha ang mga batang cute sa paningin ng mga umaampon.

Nguni’t araw-araw, bumabangon si Andres nang masaya. Nagpapasalamat siya sa Diyos sa aninag ng bagong araw, o kung umulan naman, nagpapasalamat din siya dahil tutubo ang mga halamang tinanim niya sa hardin.

Kapag may mga batang umiiyak, si Andres ang unang lalapit at kung mayroon namang nagagalit, siya ang nagiging dahilan kung bakit nagiging kaibigan ang mga magkaaway. 

Isang araw, dumating si Dr. Cruz. Gusto niyang malaman ang sikreto ni Andres. Kinabit niya ang sari-saring mga alambre o kawad upang makita ang nangyayari sa kanyang katawan.

At ito ang kanyang nadiskubre: sa bawat mabuting gawain, kinikiliti ng maraming anghel ang kanyang puso.

Manalangin tayo: “Nawa’y kilitiin mo po ang aming puso sa bawat kabutihan, O Panginoon, upang hindi kami magsasawang gampanan ang iyong hangarin. Amen.”

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s