Ang mga kahulugang nasa likod ng pamamaalam.

May ibig sabihin ang salitang, paalam: may pina-aalam o may iniiwanang salita. Sino ba sa atin ang hindi nakaranas ng pamamaalam na hindi nasaktan o naramdaman ang kalungkutan nang iniwanan?

Sa paglisan, pinapaalam na kinikilala natin na kasama sa paglalakbay ang Diyos: God be with you – goodbye. Huwag matakot, sinasabi natin sa taong lilisan, na hindi siya nag-iisa dahil kasama niya ang Panginoon. Sa paglisan, pinapaalam din natin sa taong aalis na mahalaga at mahal natin siya. Sinasabi natin, na hindi natin sila mapipigilan dahil higit na mabuti na habulin nila ang kanilang pangarap.

Ngunit sa kanilang paglayo, pinapaalam natin na taglay nila sa kanilang puso ang ating pagmamahal.

 

Hindi lamang isang katapusan ang kanyang pamamaalam, kundi isang simulain. Simula ng bagong buhay—- sa naglalakbay at sa naiiwan. Taglay ng bawat isa ang pagkakaibigan at pag-iibigan. Taglay ng bawat isa ang Diyos na kasama sa lahat ng panahon.

Sabi ni San Pablo, “Sa buhay man o kamatayan, walang makapaghihiwalay sa atin, sa pag-ibig ng Diyos”.

Sa kabila ng pagbabagong dulot ng paglisan, may mga bagay na di nagbabago: ang pagmamahal. Nagbibigay kagalakan ang ating mga naiwang alaala. Ito rin ang baon ng mga lumisan.

Manalangin tayo: O Diyos, samahan niyo po ang mga taong wala sa aming piling. Amen.

 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s