Si Longhands: Nadidikta ba ng ating pinanggalingan ang ating kinabukasan?

Nadidikta ba ng ating pinanggalingan ang ating kinabukasan? Kung isang linya ng mga enhinyero ang ating pamilya, kailangan bang tahakin natin ang ganoong landas?

May kuwento ako. Mga mahuhusay na pirata ang pamilya ni Longhands. Sa kanyang bahay naka-display ang mga litrato ng kanyang mga ninuno, kasama ang kanyang mga lolo’s lola, nanay at tatay, kasama ang kanyang mga tiyo at tiya, lahat panay magagaling na magnanakaw at manlilinlang ng tao. Kamag-anak din niya ang mayor at gobernador ng kanyang probinsiya.

Ang dugong pirata ay nanalaytay sa kanyang buong pagkatao.

 

Ngunit hindi niya gustong maging pirata. Araw-araw, tumitingin si Longhands sa salamin upang makita kung magbabago na nga ba ang kanyang anyo at magiging tulad ng kanyang mga pamilya. “Kakaiba ka,” wika ng kanyang tatay kay Longhands. “Hindi ka marunong, tulad namin.”

Kilala sa buong bayan ang kabaitan ni Longhands, lalong lalo na sa paggagamot. Ilang mga tao ang kanyang tinulungan at hindi siya humingi ng anumang bayad, lalo na ang mahihirap.

Nang tumanda na si Longhands, binalikan niya ang kanyang buhay. Walang naging pirata sa kanyang mga anak at apo.

Hindi kailangan sundin ang landas ng ating mga magulang sa pagpili ng ating landas. Nasa ating mga kamay ang pagde-desisyon.

Manalangin tayo: O Diyos, gabayan mo po kami upang mas piliin namin tumugon sa iyong tawag. Amen.

2 Comments

    1. Tama ka. Ito yung sinasabi na kalayaan o freedom: to choose what is right. And choosing what is right brings peace to one’s heart. On the other hand, when one chooses what is wrong, like alcohol or drugs or a bad habit, one becomes addicted, thus imprisoned, and one’s heart is always confused and troubled. That is not freedom.

      Liked by 1 person

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s