Bumabalik daw ang anumang ginagawa natin sa ating kapwa: kabutihan sa kabutihan, kasamaan sa kasamaan. What goes around, comes around. May kuwento ako. Itinali ni Batong Palaka ang mga paa ni Rey Daga sa kanyang mga paa hanggang nakarating sila sa isang sapa.
Tumalon at sumisid ang palaka sa sapa, tuwang-tuwa sa ilalim ng tubig. Ngunit hindi marunong lumangoy si Rey Daga, kahit sumigaw ito nang sumigaw, hindi ito pinansin ng palaka. Hindi nagtagal, namatay si Rey sa sapa at lumutang ito sa tubig. Dumaan ang isang agila sa kinaroroonan ni Rey. Dinakma ito sa kanyang mga kuko at dinala sa kanyang pugad kasama ang palakang nakatali sa paa nito.
Gawin natin sa iba, wika ng Panginoong Hesus, ang gusto nating gawin nila sa atin. May angking hustisya ang Panginoon.
Manalangin tayo: Loobin mo, Panginoon, na magkabisa sa aming kaluluwa at katawan ang iyong mga biyaya upang ibigin naming tunay ang aming kapwa bilang bunga ng aming pakikiisa sa iyo. Amen.