Si Aling Medy at ang Hinihintay na Bisita

Isang araw, nangako ang Panginoon kay Aling Medy na bibisita siya sa kanyang bahay. Sa araw ng Kanyang pagdalaw, inihanda ni Aling Medy ang kanyang bahay. Nilinis niya ang sala’t hapag-kainan, nagluto siya ng masarap na pagkain, at pagkatapos ng lahat, nagbihis siya’t naglagay ng pabango, handa sa pagdalaw ng Panginoon.

May kumatok sa pintuan, bandang alas-diyes ng umaga. Nagulat si Aling Medy na hindi ito ang Panginoon. “Huwag muna ngayon, sabi niya sa babeng pulubi. May hinihintay ako.” At sinara niya ang pintuan.

Maya-maya, may kumatok at nang binuksan, isang matandang lalake ang nagmakaawang patuluyin siya. “Huwag muna ngayon,” sagot niya. Mga bandang alas-sais ng gabi nang may kumatok muli, at isang batang gusgusin ang nasa pintuan. “Huwag muna ngayon,” sagot niya, “may inaabangan ako.” Nguni’t nakatulog na lamang si Aling Medy, at walang dumating.

Sa kanyang panaginip, nagpakita ang Panginoon. “Hinintay po kita,” sabi ni Aling Medy. Tugon ng Panginoon, “Tatlong beses akong kumatok, pero tinaboy niyo po ako.”

Mga kapamilya, natatagpuan natin ang Diyos sa bawat taong kumakatok sa ating puso.

Manalangin tayo: Paunlakan mo Panginoon ang aming mga panalangin. Tanggapin ang aming buhay bilang alay tungo sa Iyong karangalan at kagalingan. Amen.

 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s