Kailan mo sasabihin ang iyong lihim?

May mga sikreto ka bang gustong ibunyag sa iyong asawa o kasintahan upang maging mas mapayapa ang iyong konsiyensiya? Ganoon din si Hesus na nagsabi sa kanyang mga alagad, “Marami pa sana akong sasabihin sa inyo pero hindi ninyo masasakyan ngayon.”

Ibig sabihin, may mga nais pang ibahagi si Hesus ngunit hindi pa handa ang kanyang mga alagad. Ngunit maiihanda ng Espiritu ang puso’t isipan ng mga alagad upang maunawaan ang mga katotohanang itinuro ni Hesus kasama ang iba pang bagay. Maraming mga pagkakataong nais na nating sabihin ang isang katotohanan o isang pangyayari, ngunit alam nating hindi pa handa ang taong babahaginan natin.

Halimbawa, sa pag-amin sa isang ampon. Bata pa siya upang maintindihan nito ang ibig sabihin ng pagiging ampon: na ang pagmamahal mo ay nakabatay sa puso, at hindi sa kadugo.

May mga katotohanang kailangang ipagpaliban sa mas tamang panahon. Isang pagpapakita ito ng pag-unawa, respeto at malasakit.

Pagdasal natin na laging hangad natin ang mas makakabuti sa kapwa, at mithiing darating din ang tamang panahon para ilantad at aminin ang pinakatatagong sikreto.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s