Paglago: Ang Hinagisan ng Kamote

Nangampanya isang araw si Esteban, isang kandidatong pulitiko sa isang lalawigang malapit sa kanyang bayan. Habang nagsasalita siya, hinagisan siya ng isang kamote. Bagaman nangingitngit siya sa galit, napagisipan niyang kunin ang tinapong kamote.

Inuwi niya ito, tinanim, at hindi nagtagal, inani niya ang naparaming kamote. Inilagay niya ang mga ito sa isang sako at hinanap niya ang taong naghagis ng kamote sa kanya. Nang matagpuan, ibinigay ni Esteban ang sakong punong-puno ng kamote.

Ano ang mapupulot nating aral? Mahirap sa ating mga Pinoy ang tumanggap ng puna. Maaari itong punang mapagbuo o constructive o kaya, may mga punang mapagpanira. Madali tayong masaktan kapag may humahagis sa atin ng kamote.

Kung tutularan natin si Esteban, gagamitin natin ang mga punang tinatapon sa atin, upang lalo tayong gumaling, at sa puna ukol sa pag-uugali, lalo tayong maging mabuti at kaaya-aya sa marami.

Ipagdasal natin sa Diyos na magamit ang mga puna upang lalo tayong gumaling, umunlad at maging matagumpay.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s