Malasakit: Si Alexander at ang sundalo

Nahahalata ba natin na sumasarap ang usapan kapag nagtsitsismisan? At lalung nagiging mainit ang kuwentuhan kapag ang pulutan ay kilala natin? Sa isang misang binanggit ni Pope Francis ang ukol sa tsismisan; kagaya daw ito ng halik ni Hudas. Nauuwi ang tsismisan sa siraan at pagkawatak-watak ng dating magkakapamilya’t kaibigan.

At dahil ito ang epekto ng tsismisan, malinaw na galing sa demonyo ito. Sa kasawing palad, nagiging kultura na natin ang tsismisan. Nakakalimutan natin na ang epekto ng Espiritu Santo ay pagkakaisa o pagkakabuo ng isang komunidad na nagmamahalan.

Ang gamot sa tsismisan, wika ni Pope Francis ay pagmamalasakit sa kapwa. Kung may malasakit, lalapitan lamang natin ang taong may kapangyarihang tulungan ang tao, hindi ang “buong bayang” walang magagawa para sa kanya.

May kuwento ako. Isang araw, nakita ng sundalo ni Alexander the Great ang dala-dalang mga sako ng isang kabayo. Kitang-kita na nahihirapan ang kabayo, kaya, kinuha ng sundalo ang isa sa mga sako nito. Natuwa si Alexander sa malasakit ng kanyang sundalo, kaya nilapitan niya ito at ang sabi, “Ginto ang laman ng sakong dinadala mo. Binibigay ko iyan sa iyo.”

Mga kapamilya, pagdasal natin na palaguin natin ang pusong may malasakit sa isa’t isa; ang kultura ng pag-ibig ay higit pa sa isang sakong ginto.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s