Maliit na bagay, Malaki ang Naibibigay.

Sinulat ni Malcolm Gladwell ang “Tipping Point,” isang librong nagbibigay aral sa kanyang mambabasa. Maaaring magbigay ng malaking pagbabago ang isang maliit na bagay. Ipinaliwanag niya ito sa kanyang, “Broken Windows Theory.” Tulad daw ng isang bintanang basag na, ang sinumang napadaan sa bintanang butas-butas ay mag-aakalang walang pakialam ang may-ari nito. At dahil sa ganitong pagtingin, hindi magdadalawang-isip pasukin at pagnakawan ang tindahang o bahay na may basag na salamin.

 

Ikinuwento nito si Mayor Rudolph Giuliani ng New York. Bilang pagtulong sa pagpawi ng krimen sa kanyang lungsod, pinatanggal niya ang mga graffiti at pinahuli niya ang mga tumatakas sa subway train para makalibre sa pamasahe.

Maliit na bagay, nguni’t malaki ang naitutulong.

 

Ganito din kapag pinapraktis natin ang tinatawag na “CLAYGO” o clean as you go. Huwag magkalat at itapon ang ating mga dumi sa tamang basurahan. Ito ay magandang isipin sa ating pagbabakasyon. Panatilihing malinis ang maganda nating kapaligiran.

Manalangin tayo: O Diyos ng buhay, likhain mong muli ang aming puso na may malasakit sa kapwa at kapaligiran, upang kahit maliit na gawaing galing puso, malaki ang maitutulong nito sa aming kapwa. Amen.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s