Ang Kaibigan ng Pintor

May kuwento ako. Isang araw, nakita ni Pedro ang kanyang kaibigan na malungkot na malungkot. Nakayuko ang kanyang ulo at tila mabigat ang kanyang pasanin. Pakiramdam daw ng kanyang kaibigan na walang nagmamahal sa kanya.

Kaya niyaya ni Pedro si Hassan na dumalaw sa kanyang studio. Isang pintor si Pedro. May isang bangko sa gitna ng kuwarto. Doon niya pinaupo ang kanyang kaibigan, at pinag-aralan ang kanyang mukha at katawan. Pagkatapos, sinimulan niya ang kanyang pagpipinta.

Habang inuukit ni Pedro ang mukha ni Hassan, pinipilit naman ni Hassan na makita ang nililikha ng kaibigan. Ngunit hindi pumayag si Pedro. Kailangan daw na bigyan ng panahon ang obra.

Dumaan ang ilang araw nang pabalikin ng pintor ang kanyang kaibigan. Anya, “Ito ang aking obra maestra. Wala nang hihigit pa sa gawain kong ito.

 Nagulat si Hassan nang inalis ni Pedro ang takip ng larawan. Maliwanag ang mukha ng nasa larawan, nakangiti at buhay na buhay ang mga mata.

“Ako ba ito?” tanong ni Hassan.

“Oo,” sabi ni pintor, “ito ang larawan mo sa akin!”

Manalangin tayo: O Diyos, makita nawa naminang kagandahan ng aming pagkatao ayon sa mga mata ng Dios upang sa paglilingkod sa iba, nakikita din natin ang kanilang mabuting pagkatao.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s