Si Haring Leon at ang Daga

Dahil mainit, natulog nang mahimbing si Haring Leon. Ngunit nagising ito dahil may isang maliit na dagang takbo nang takbo sa kanyang paligid. Hinuli niya ito sa kanyang paa upang kainin. “Huwag, Haring Leon,” sigaw ng daga, “isang araw makakatulong din ako sa inyo!” Natawa ang Hari ng Kagubatan sa sinabi ng daga, kaya pinalaya niya ito. Sa loob loob niya, “Paano naman ako matutulungan ng isang maliit na hayop na iyon?”

 

Isang araw, nahuli ang leon ng mga mangangaso. Tinali nila si Haring Leon sa isang kahoy, habang hinihintay nila ang pagdating ng kanilang sasakyan. Dadalhin nila ang leon sa bayan upang ibenta ito sa isang palahayupan sa lungsod. Sa mga oras na iyon, nawalan na ng pag-asa si Haring Leon na makalaya pa. Ito rin ang oras nang dumaan ang daga.

 

Nang makita ito ng daga, agad-agad nitong nginat-ngat ang taling nakapulupot sa leon, hanggang sa tuluyang nakalaya ito. Abot-langit ang pasasalamat ni Haring Leon sa isang maliit na daga.

Mga kapamilya, malaki ang gantimpalang kapalit ng isang maliit na pagkakawanggawa.

Manalangin tayo: O Diyos, habang nakakapit kami sa iyong kabutian sa amin, huwag mo kaming kalimutan sa mga oras ng kahirapan. Amen.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s