Para saan ang uniporme? Si Ivar at si Knut.

Maraming mga estudyante ang may ayaw sa uniporme. Mas gusto nilang pumorma at magpasikat.

May kuwento ako. Suot-suot ni Ivar ang kanyang helmet na punong-puno ng sungay bilang patunay ng kanyang mga tagumpay sa pakikipag-digmaan. Kahit saan siya pumunta, hinahangaan at kinatatakutan din siya. Humahawi ang daan kapag siya’y namamasyal, dahil ayaw ng mga tao siyang kalabanin.

Isang araw, nabangga siya ni Knut, isang estudyanteng patpatin at kadalasan, wala sa kanyang sarili. Hinamon ni Ivar si Knut sa isang away; at tinanggap din nito ang hamon. “Matatalo ka lamang,” sigaw ng taong-bayan.

Pinag-aralan ni Knut ang kahinaan ni Ivar. Nakita niya ang kanyang helmet. Dahil maliit at patpatin, iniwasan ni Knut ang lahat ng paglusob ni Ivar. At dahil sa bigat ng kanyang helmet, mabilis napagod si Ivar, hanggang hinimatay ito.

Nanalo si Knut, nguni’t tinanggap ni Ivar ang kanyang pagkatalo. Simula noon, di na niya sinuot ang kanyang helmet na punong-puno ng sungay. Simple na lamang ang kanyang pananamit, ngunit sa lahat ng digmaan, tuloy pa rin ang kanyang katapangan bilang Viking!

Mga kapamilya’t estudyante, may uniporme upang tulungan tayong tumuon sa pag-aaral at pag-unlad lamang, at hindi sa kung anong susuotin sa araw na iyon.

Manalangin Tayo: O Diyos, tulungan mo kaming mamuhay na simple, upang mas pagtuonan namin ng pansin ang mas mahalaga sa buhay. Amen.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s