Ang Pangarap ng mga Millennials

Marami ang mga puna ukol sa mga Millennials, o yung mga ipinanganak from 1985 pataas. Ayon kay Simon Sinek, pinapangarap ng mga millennials na magkaroon ng layunin ang kanilang buhay. Higit sa lahat, na magkaroon ng epekto o impact sa ibang tao.

Nguni’t kadalasan, hindi ito nakakamtan. Hindi sila nakukuntento sa buhay, at sa paghahagilap ng kahulugan, palipat-lipat sila na parang mga paru-parong pumupunta sa kung ano-anong bulaklak.

May kinalaman daw ito sa paggamit ng teknolohiya na uso na ngayong ang panandaliang saya. Kung gusto mong makakain kaagad, pindutin mo lang ang application o app ng Jollibee at may magdedeliver ng pagkain sa iyong bahay. Halos lahat nasa kamay mo na, wika ng isang cellphone advertisement.

Ngunit may hindi pwedeng gawing application o app. Walang app para sa pagiging kuntento sa buhay at sa trabaho. Walang app para sa isang malalim, matibay at matagal na ugnayan.

Ang layunin at impact sa buhay ng tao at ang ‘forever’ mo ay pinaghihirapan nang matagal. Hindi pwedeng lumisan kung mahirap at masakit na.

Kaya, ayon kay Simon Sinek, kailangang matutunan natin uli ang halaga ng pasensiya, ang pagdanas ng kagandahan ng paghihintay, pagtiya-tiyaga at katapatan.

Manalangin tayo: O Diyos, hubugin po ninyo ang aming puso na matuto itong magtiyaga at magpasensiya upang makamtan namin ang mithiin sa buhay. Amen.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s