Gutom na gutom si Bantay Lobo isang araw. Kahit saan siya pumunta sa kagubatan, wala siyang makitang pagkain. Kaya naisip niyang lumabas sa gubat, at pumunta sa isang bayan.
Nang makarating siya sa isang taniman, may nakita siyang pagkain sa loob ng isang butas sa puno ng isang kahoy. Dahil gutom na gutom siya, pinasok niya ang kanyang ulo sa butas at inubos ang lahat ng pagkain hanggang wala na itong natira.
Iniwan ni Pedring ang pagkain sa butas na iyon, upang balikan pagkatapos diligan ang mga gulay sa kanyang taniman. Nang bumalik siya, nakita niya ang ulo ni Bantay Lobo na naka-usli sa punong kahoy. Hindi na siya makaalis dahil tumaba ang kanyang mukha sa kakakain. Nahuli ni Pedring ang lobo, at dahil dito, lubos ang pagsisisi ni Bantay.
Mga kapamilya, may kasabihan, “think before you post.”
Pagisipan mo muna ang anumang gagawin mo, lalo na sa social media, bago pagsisihan ang lahat. Lahat pampubliko ang mga social media posts, kahit pribado ang nakalagay.
Manalangin tayo: “O Panginoon, nawa’y liwanagan mo ang aming kalooban upang hindi kami makagawa ng bagay na pagsisisihan namin sa kahuli-hulihan. Amen.”