Mahal na mahal ni Uncle Bob si Renzo, ang kanyang pamangkin. Binibigyan niya si Renzo ng singkuwenta pesos bilang allowance niya sa araw-araw. Isang araw, nakakita si Renzo ng magandang bisikleta sa isang tindahan sa Sports Center. Tiningnan niya ang presyo at agad-agad, pinuntahan niya si Uncle Bob.
“Bigyan mo ako ng Php 8,000.00, Uncle Bob!” hiling ni Renzo. “Malaking halaga iyan Renzo!” tugon ng kanyang tiyuhin. “Wala ka namang anak, Uncle Bob, at dahil araw-araw mo akong binibigyan, sigurado akong kaya mo akong bigyan ng pera para mabili ko ang bike na nasa Sports Center!” pilit ni Renzo. Hindi nagustuhan ng tiyuhin ang tono ng kanyang pamangkin.
Kaya, simula noon, hindi na rin niya binigyan ng allowance ang bata. Natakot siya na kung ipapatuloy niya ang kanyang inaakalang pagpapakita ng pagmamahal, aabusuhin ni Renzo ang kanyang kabutihan at lalaki itong hindi maganda ang pag-uugali.
May kasabihan, “Don’t bite the hand that feeds you!”
Manalangin tayo: “O Diyos na makapangyarihan, turuan mo sana kaming maging kuntento sa anumang biyayang inaabot ninyo sa amin. Amen.”