Bigyan ng lalim ang anumang tinatanghal.

Mahilig tayong mga Pilipino sa entertainment dahil ito ang nagbibigay kasiyahan sa atin. Ito ang pampagaan sa bigat ng pang-araw-araw na pasanin. Ito ang nagsisilbing libangan na libre, lalu na sa mga napapanood natin sa telebisyon at sa internet.

Mahilig ang Pinoy sa mga beauty contest at sinusubaybayan natin ang sinumang Pilipinang nakakapasok sa Miss Universe. Gusto natin ang tipong Vice-Ganda at Boy Abunda bilang host; at dahil dito, halos ginagaya sila ng mga Pinoy, simula sa maliit na birthday salo-salong pampamilya, hanggang sa pambarangay at panlalawigan na tanghalan. May magandang idinudulot ang mga palatuntunan.

Ngunit nais kong maging mas mapanuri sa mga tanghalang walang laman; yung walang kahalagahan o values na naiaambag sa pagpapakabuti at pagpapakamaka-tao.

Huwag nawa natin itigil ang pagtatanong ng “para kanino” o “ano ang matututunan” ng mga tao sa anumang uri ng entertainment, upang magkaroon ito ng lalim at halaga sa lipunan.

Manalangin tayo: O Diyos, naghanda ka ng mga biyayang di-nakikita sa mga umiibig sa iyo, ihasik sa aming mga puso ang matimyas na pagmamahal sa iyo at sa aming kapwa. Amen.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s