Uwian: Magbakasyon sa Lupang Tinubuan

Isang buwan ng pagdiriwang ng panibagong buhay ang buwan ng Mayo. Ito ang buwan ng mga bulaklak at panahon ng ani. Dito din nakakasama-sama ang mga magkababayan lalo na sa Bohol kung saang may piyesta sa bawat lalawigan. At sa ibang dako naman, ito rin ang panahon ng pamamasyal at pagpapahinga bago sumalpak muli sa pagsisimula ng pasukan.

 

Mainam na pinapahalagahan natin ang pamamahinga, pagdiriwang at pagsasalo-salo. Sa mga ritwal na ito, binibigyan natin ng puwang ang ligayang dulot ng pagiging miyembro ng ating sari-sariling bayan at kultura. Ang taga-Camalig, Albay, uuwi sa Camalig. Ang taga-Ilocos, uuwi din. Ang taga-Mindanao, babalik sa lupang tinubuan. At doon muling pahahalagahan ang ating pinanggalingan.

Wika ni Jose Rizal, “Ang hindi marunong lumingon sa pinanggalingan, hindi makakarating sa paroroonan.”

 

At dahil dito, kailangan matuto tayong bigyang halaga ang pagbabalik sa ating pinagmulan.

Manalangin tayo: O Diyos, turuan mo kaming lumingon at magpasalamat sa aming pinagmulan lalong lalo na sa panahon ng bakasyon. Amen.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s