Paalabin natin ang pagiging bukaspalad sa panahon ng pambansang krisis.

Marahil hindi na bagong balita ang nangyari sa Marawi. Ilang beses na tayong pinangakuang madali lang itong tapusin, nguni’t habang tumatagal, nakikita natin na hindi lang ito simple. Hindi natatapos ang digmaan kung wala nang bomba’t putukan. Ilang tao ang nasawi, nasugatan, nawalan ng tirahan. At ang rehabilitasyon ang kailangang gawin. Kailangan maibalik sa normal na buhay ang mga residente ng Marawi.

Naalala ko ang sinabi ng isang doktor na dati kong estudyante sa high school: ang dumarating sa emergency room ay pawang mga batang sundalo higit kumulang mga 20-30 years old. Inuuna daw ang mga bago para masanay sa digmaan. Isang pagpupugay sa mga magigiting na sundalong inalay ang buhay para sa ating kapakanan. Nguni’t dagdan niya: “Paano ang kanilang mga iniwan?”

Hinihiling sa ating lahat na huwag titigil sa pagtulong sa mga taga-Marawi. Tulad ng mga nakaraang sakuna, natural man o gawa ng tao tulad ng Zamboanga seige, nawa’y paalabin natin ang ating pagiging bukaspalad. Ang kung may kakilala kang kapamilya ng ating mga sundalo, arugain natin sila sa madilim na yugtong ito sa kanilang buhay at sa ating bansa.

Manalangin tayo: Tunghayan mo Panginoon kaming iyong mga lingkod at paunlakan ang aming hinihiling na kapayapaan sa panahong ito. Amen.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s