Kapag hinahangad natin ang kapayapaan, ano ba ang ating iniisip?

Kapag hinahangad natin ang kapayapaan, ano ba ang ating naiisip? Kapayapaan ba ang resulta ng pagkakaroon ng pagkakapareho: lahat sumasang-ayon sa lahat nang ginagawa ng mga nakaluklok sa gobyerno’t trabaho; walang kumukontra at nagbabangayan? Kung ganito ang ating pagkaunawa ng kapayapaan, ito ay pawang kababawan lamang.

 

Respeto sa pagkakaiba nating lahat ang nagtatali sa ating mga ugnayan. Respeto sa desisyon ng taong-bayan; respeto sa magulang at nakakatanda; respeto sa mga taong iba ang pananaw, relihiyon, at kasarinlan. Kasama dito ang respeto sa ating sariling dignidad. Ginawa tayo ng Poong Maykapal upang ang ating mai-aambag sa sanlibutan ay may taktak ng ating personalidad at kagalingan.

Nakakasalamuha at nakakatrabaho ko ngayon ang maraming Muslim; ang iba pa nga ay ang aking mga estudyante. Sa pakikipagkaibigan naming lahat nadiskubre ko ang mas malalim na katotohanang ugat ng kapayapaan: tayo’y magkaugnay sa ating pagkatao, at sa hangaring mamuhay ng mapayapa.

Dahil dito, hindi kailan man tama ang pambabastos at pagyurak sa ngalan ng kapwa, lalo na sa social media.

Manalangin tayo: Ang mga tinutulungan mo sa mga biyaya ng paggalang na galing sa langit, O Panginoon, ay huwag mo sanang pabayaan sa kanilang buhay dito sa lupa. Amen.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s