May commitment ka na ba? O may nagcommit, ngunit ang pangako nila’y napako? Merong apat na uri ang tao sa larangan ng commitment. Una, cop-outs: walang goal sa buhay, kaya di nagco-commit. Merong, hold-outs: hindi sila naniniwalang makakamit nila ang kanilang mga goals sa buhay, kaya ayaw nilang mangako sa iyo ng habang-buhay.
Pangatlo, drop-outs: magco-commit sa iyo, ngunit iiwanan ka kung masakit na o mahirap na ang iyong relasyon. Maraming long-distance relationship ang nauuwi sa drop-out. Panghuli, all-outs: kasama ka sa kanyang plano sa buhay, mangangako sila na sasamahan ka hanggang kamatayan, at higit sa lahat, pumapayag silang hindi ka nila iiwanan sa hirap man o ginhawa – at pinapakita na nila iyon sa iyo ngayon pa lang.
Mamili ka. Sana, ikaw ay ALL-OUTS.
Manalangin tayo. O Dios, tanglawan mo ang mga naliligaw at natatakot na tuparin ang kanilang mga pangakong magmahal habang-buhay.