Ilang beses na po akong nagreunion kasama ang mga kaklase ko sa elementary at high school sa Legazpi City. Nahalata ko sa lahat ng aming mga kuwentuhan ang pagbabalik-tanaw sa mga gurong naging paborito namin. Hindi namin naaalala ang mga lessons na tinuro nila, ngunit nakatatak sa aming puso kung paano nila kami minahal.
Sabi ni Mother Teresa, “It’s not what you do but how much love you put into it that matters.” Sa lahat ng mga retreat, nakikita ko kung gaano ito kahalaga sa pagpapalaki sa isang bata. Sabi nila, may pagkakaiba daw ang pritong hotdog ng kanyang nanay sa pritong hotdog ng isang katulong. Ang oras na binibigay ng nanay sa paghahanda ng kanyang baon ay mas mahalaga sa baong galing sa utos para sa kasambahay.
Mga kapamilya, ang pagpapakita ng pagmamahal sa gawa ang nakaukit magpakailanman sa puso at isipan ng maraming tao. Hindi kinakalimutan ang mga alaalang ito.
Manalangin Tayo: O Panginoon, pangalagaan mo nawa ang aming pamumuhay nang may pagmamahal. Amen.
Nice seeing you around these parts again, Father! 🙂
LikeLike
You too! I have to update my blog. Haha! I went through some adjustments and acclimatization in my new assignment in Davao. Probably would put in some “diary like” page in my work in formation. It is a different culture altogether. Pray for me and I do for you!
LikeLiked by 1 person