Nainggit ka na ba sa talento ng ibang tao? Lagi mo bang sinasabi, “Sana marunong din akong kumanta, sumayaw, at kung ano, ano pa.” O kaya, “Sana marunong din siyang kumanta, sumayaw ng tulad ko!”
Nararanasan kadalasan ang pangalawang pangungusap ng mga estudyante sa group work o kaya sa teamwork. Nguni’t meron tayong dapat na matutunan.
Iba-iba ang gawad ng Diyos sa atin.
Dahil niloob ng Diyos ang ating pagiging unique, hindi lahat ng kakayahan pinagkaloob ng Diyos sa iisang tao lamang. Ipinamahagi ng Diyos ang iba’t ibang kagalingan.
Bakit? Una, upang matuto tayong magmahal, at pangalawa, upang kakailanganin natin ang ibang tao.
Kung tayo magtutulungan, mabubuo natin ang isang komunidad na nagmamahalan.
Manalangin tayo. Panginoon, nawa maging liwanag kami sa sanlibutan at manatiling tapat sa Iyo. Ipagkaloob mong ang aming mga kakayahan ay aming mapagsasaluhan bilang pakikinabang sa buhay mong magpakailanman. Amen.
I agree po sa mga sinabi ninyo. 🙂
LikeLike
Thank you very much for reading — and agreeing! Yay!
LikeLiked by 1 person