Paano mo ba makikilala ang iyong tunay na sarili o ang iyong pagkatao sa gitna ng iba’t ibang responsibilidad at ginagampanan natin sa buhay. Nanay-mode ka sa umaga; tapos, trabaho-mode ka sa araw.
Paano ba natin makikilala ang ating pagkatao: ito yung sino ka kapag walang nakatingin sa iyo?
Ang ating mga gawain sa buhay ang nagpapatunay sa ating tunay na sarili. Biyaya ng Diyos ang ating mga talento, kakayahan at abilidad, ngunit balat lamang ito sa mas malalim na pagkatao. Binubuo din ito ng ating mga desisyon.
At dahil dito, maaaring tingnan ang ating mga pagpipili sa nakalipas na buwan.
Tingnan kung saan hindi ang ating mga mahal sa buhay ang mas pinili natin sa oras ng katamaran, tukso, kayabangan, at kagipitan. Suriin kung saan ipinagbili natin ang ating prinsipiyo sa buhay kaysa manindigan sa katotohanan.
Mga kapamilya, manalangin tayo:
O Dios, ikaw ang maylikha ng sanlibutan, kilala mo kami nang mas malalim pa kaysa ang aming pag-unawa. Liliman mo ng iyong Espiritu ang aming buhay, upang mamuhay kami ayon sa aming pagiging anak mo. Amen.
Reblogged this on jayectinlea583.
LikeLike