Topic: How our challenges help us become stronger.
May magkaibigang mga daga, si Xavier at si Johnny.
Nakatira si Xavier sa isang malaking bahay: naliligo siya sa maligamgam na tubig, mainit ang kanyang pagkain, malaki ang kanyang lungga.
Si Johnny naman nakatira sa labas ng bahay, malapit sa mga estero’t mga kanal.
Dahil dito, sanay si Johnny sa hirap.
Isang araw, gumuho ang malaking bahay na tinitirhan ni Xavier. Nagkataong naroroon si Johnny at hindi sila makalabas. Sabi ni Johnny, kailangan nilang maghukay. Ngunit hindi sanay si Xavier. Kaya, si Johnny na lamang ang naghukay.
Pagkalipas ng ilang araw, nakarating si Johnny sa ibabaw ng lupa. Ngunit nawalan na ng malay si Xavier.
Gumising si Xavier sa ospital. Tabi niya si Johnny na duguan ang kanyang mga kamay, ngunit pabirong sabi ni Johnny, “Kung hindi sa aking kamay pareho na tayong namatay.”
Sa pagsapit ng panibagong taon, gayahin natin si Johnny: nakakatulong ang kahirapang tinatamasa natin sa paghahabol sa ating mga pangarap.
Manalangin tayo: “O Dios, loobin mong madama namin ang kalinga ng Banal na Mag-anak na si Jesus, Maria at Jose, na sa pamamagitan nila’y tinanggap namin ang iyong Anak na siyang maylikha ng buhay. Amen.