Ang pagkakaroon ng malinaw na direksyon sa buhay ang siyang minimithi ng marami sa atin. Malinaw kay Hesus ang kanyang gagampanan upang mailigtas ang lahat. Kailangan niyang tanggapin ang daanan ng krus. Kailangan niyang harapin ang kanyang Jerusalem kung saan siya ipagkakanulo, pahihirapan at ipapapatay. Kailangan niyang daanan ang mga ito kung tunay ang kanyang hangaring iligtas ang sambayanan.
Marami sa atin ang may pangarap sa buhay. Alam natin kung ano ang gusto nating makamtan. Malinaw na sa atin ang gusto nating marating. Ngunit laging may pag-aayaw sa kailangang daanang pagpapakasakit. Totoong walang may gusto sa kahirapan. Walang gustong masaktan, mabigo at magdanas ng kalungkutan.
Ngunit may mga masasakit na bagay na kailangang gawin, makamtan lamang ang pinakaaasam.
Ngunit maaaring katapat nito ang pagsasakabilang bayan. Kasama nito ang labis na pagtitiis ng kalungkutan, gawa ng paghihiwalay sa minamahal. Ang Jerusalem ang simbolo ng ating “necessary pains” — simbolo ng krus na kailangang pasanin upang makarating sa ating kaluwalhatian.
Manalangin tayo: Amang makapangyarihan, gawin mong ang iyong mga pangako ay aming mapakinabangan ayon sa paraang iYong ikinalulugdan. Amen.