Nakabulagta sa ating mga gunita ang larawan ng mga namatay at namatayan nang dahil sa lindol at bagyo. Sariwang-sariwa sa ating alaala ang mga taong nawalan ng bahay at ari-arian. Kumusta na kaya sila, o kung man ang biktima, naka-ahon na ba tayo?
May halong galit sa sitwasyon ang dagdag sa anumang pagbangon. Mabigat sa dibdib at may lasang pait ang simulain. Gusto nating maghanap ng taong sisisihin.
Ngunit mayroong angking tapang ang Pilipino. Sa Ingles, resiliency: ang abilidad na labanan at lampasan ang anumang pagsubok sa buhay.
Kasama sa abilidad ng resiliency ang labis na pagkapit sa Diyos. Kung merong kapit sa patalim, ito naman ang mahigpit na pagkapit sa Maykapal. Hindi nawawalan ng pag-asa ang Pilipinong nananalig sa Diyos.
Manalangin tayo: O Dios, tunghayan mo alay na galing sa aming paghihirap upang ang paglilingkod na aming ginagampanan para sa Iyo at sa aming mahal sa buhay ay humantong sa Iyong ikadarangal. Amen.