Tila hindi natatapos ang mga pagsubok na dumarating sa ating buhay. Marami ang napinsala ng lindol sa Italy at Burma; maraming namatay sa digmaan sa Syria at Africa, at sa mga kasabwat sa mga gumagamit ng droga. At sa ating personal na buhay, iba’t ibang klaseng unos ang nasa sa atin.
Hindi magkasing-tulad ang pagtanggap natin sa mga pangyayari sa ating buhay. Magkaiba ang tindi ng tama nito sa bawat tao. May mga kapamilya tayong kayang-kayang dalhin ang sakuna; may iba namang paralisado sa harap ng unos sa kanilang buhay.
Ano ang maaari nating gawin sa ating mga kaibigang hindi pa nakakalabas sa kanilang shock o pagkabigla sa anumang pangyayari?
Nakakatulong na may nakakausap tayong tunay na nakikinig sa atin. Halimbawa, kapag may yumao kadalasang tinatanong natin kung ano ang sanhi ng pagkamatay at kinukumusta natin sila. Sa mga oras na ito, hindi kailangan ang anumang advice; mas kailangan nila ang ating pagkalinga at pakikiramay.
Manalangin tayo: O Dios na makapangyarihan, ang pananampalataya, pag-asa at pag-ibig namin sa kapwa ay Iyong dagdagan upang makatulong ng higit sa mga kapatid naming may dinadaanan. Amen.
Ano ang empathy?
Mga halimbawa ng empathy?
LikeLike
Empathy: like putting yourself in the shoes of another. Feeling with. For example, I just came from the wake of a friend of mine whose husband just died. By putting myself in her shoes, I can somehow identify with what she feels. Sometimes empathy does not need words. It is shown often by a warm embrace of consolation.
LikeLike