Kilala mo ba si Thomas Edison? Kung hindi, siya ang nag-imbento ng electric pen at copier, ang phonograph na ninuno ng mga music players, ang kinetoscope na ninuno ng kamerang pampelikula, at higit sa lahat, ang imbentor ng electric bulb.
Isang araw manghang-mangha ang kanyang assistant sa higit na 50,000 na maling eksperimento niya bago na-imbento ang storage battery.
Sabi ni Thomas Edison, na mas higit pa sa kanyang mga na-imbento ang natutunan niya sa kanyang pagkakamali – 50,000 ang mga bagay na hindi dapat niyang gawin!
Ilang beses na ba tayong nagkakamali sa ating buhay? Siguro hihigit pa sa 50,000 ang bilang ng ating mga pagkakamali. At dahil dito, naiisip natin na hindi tayo karapat-dapat na maging isang mabuting halimbawa sa lahat.
Maaari bang maging ilaw ang may maraming pagkakamali?
Hinahamon tayong lahat na matuto kay Thomas Edison. Maaaring maging gabay sa ating pagpapakabuti at paglilingkod ang ating mga pagkakamali.
Manalangin tayo: Tunghayan mo kami, O Dios, na may likha at namamahala sa lahat ng bagay. Ipadama sa amin ang bunga ng iyong pagmamahal nang makapaglingkod kami sa iyo ng buong katapatan. Sa oras ng aming pagkakamali, liwanagan po ninyo ang aming mga puso. Amen.