Pagpapahalaga o values: Tiwala sa Diyos na ibibigay ang kailangan natin sa anumang haharapin.
***
Kapag hinaharap natin ang anumang hirap sa ating buhay, nalilinang natin ang mga bagay na gagamitin natin sa pagharap sa anumang hamon sa ating buhay.
Kuwento ako. May tatlong binhing magkakaibigan. Isang araw, dinala sila ng hangin sa isang patag sa kagubatan. Tuwang-tuwa sila sa kanilang naratnan. Ngunit hindi nagtagal nakita nila ang dahilan kung bakit walang kahoy ang tumutubo sa patag: hinahagisan ng mga unggoy ang anumang binhing tumutubo ng saging.
Sinimulan ng unang binhi ang tumubo. Ngunit hindi pa siya nakakarating ng ilang metro kataas, hinagisan siya ng maraming saging at halos napatid ang kanyang mga tangkay. Kaya sinabihin nito ang dalawang pang binhi. Sumang-ayon ang pangalawa, ngunit, nagmatigas ang pangatlong binhi: ang binhi ng narra.
Sabi niya, susubukan niyang tumayo, tumubo at lumago. At ito na nga ang nangyari: sa bawat hagis, dinoble niya ang kanyang pagsisikap.
Paulit-ulit ang hamon sa narra at hindi tulad ng ibang binhi, hindi nawalan ng pag-asa ang binhi. Hindi nagtagal, lumakas ang kanyang mga tangkay hanggang nakayanan nito ang lumago sa kabila ng mga saging inihahagis sa kanya.
Manalangin tayo.
O Dios, tanglawan mo ang mga nawawalan ng pag-asang magsumikap sa kabila ng anumang hamon sa kanilang buhay. Loobin mong dumami at maging banal sa wika at gawa ang mga nakaanib sa iyo. Alang-alang kay Kristong aming Panginoon. Amen.