
Manigong bagong taon po sa inyong lahat!
May isang kaibigan ang isang pintor. Lagi itong nakayuko, mababa ang balikat, tila pasan niya ang buong daigdig. Bihira siyang ngumiti, at kung mapapangiti mo siya, mabilis din itong mapawi. At araw-araw din minamasdan siya ng pintor.
Naisip ng pintor na iguhit ang kanyang kaibigan. Kumuha siya muna ng lapis at minarkahan ang puting papel ayon sa kanyang nakikita sa kanyang kaibigan. Pagkatapos kinulayan niya ito upang lalong maging tunay na tunay ang larawan nito. At nang malapit na ang bagong taon, tinawag niya ang kanyang kaibigan upang ipakita ang larawang kanyang ginawa.
Nakita ng kaibigan ito: isang taong nakangiti, naka-ayos ang hitsura, tamang-tama din ang tindig at tayo nito. Maliwanag ang mukha. “Ito ba ang nakikita mo sa akin?” tanong ng kaibigan. “Oo,” sabi ng pintor. At dahil diyan, unti-unti nagbago ang kanyang kaibigan. Sabi niya, “Gusto ko ang nakikita mo!”
Mga kaibigan, “maganda ang tingin ng Diyos sa atin.” Ipagdasal nating makita ang kagandahan at kabutihan natin lalu na sa pagkakataong magbago sa taong darating.
Beautiful and inspiring post, Father! 😉 I think that’s how God looks at us and if we only knew how He sees us, we’d have a change of heart.
LikeLike