
Pauna: Upang maging makahulugan ang ating Pasko, binabahagi ko itong kuwento. Maligayang Pasko po sa inyong lahat.
Habang patungo daw sa Bethlehem si Jose at Maria, nagkaroon ng meeting ang mga anghel kung sinong mga hayop ang dapat mag-alaga sa Banal na Pamilya pagdating sa sabsaban. Natural, nagalok ang leon, sabi, “Para sa hari, isa ring hari ng mga hayop! Papatayin ko kung sinong lalapit sa bata!” Sabi ng anghel, “Di ka puwede, masyadong malakas ang dating mo!”
“Ako,” sabi ng lobo, “magnanakaw ako para hindi sila magutom!” “Di ka pwede,” sabi ng anghel, “masyado kang mapanlinlang.” “Ako na lang,” sabi ng loro at pinakita niya ang kanyang magandang pakpak.” “Di ka pwede,” sabi ng anghel, “masyado kang tsismoso at banidoso! Wala na bang iba?” tanong ng mga anghel. Nakita nila ang mga asno o maliit na kabayo.
“Paano niyo paglilingkuran ang Panginoon,” tanong ng mga anghel. “Wala po kaming magagawa, kundi paypayan sa pamamagitan ng aming buntot ang bata, para hindi siya langawin!” “KAYO! Sigaw ng anghel, “Kayo ang kailangan namin!” Kaya hanggang ngayon sila ang mga hayop sa belen.”
Mga kaibigan, “kailangan lamang maging mapagkumbaba upang maging karapat-dapat sa Panginoon.” Nawa’y maging makahulugan ang iyong Pasko!”
Amen. Ganun din sa atin na mga tao. 🙂 Maligayang pasko at manigong bagong taon, Fr. Jboy. – Tani, Ian, Nathan and Kelly
LikeLike
Hi Tani, Ian, Nathan, and Kelly! May you and your family have a very meaningful Christmas season, and a grace-filled new year. Thank you very much.
LikeLike