Nakatira si Alice sa madilim na iskinita sa looban ng London. Ngunit nanalo siya sa isang paligsahan ng bulaklak. Nang itinanong sa kanya kung paano niya inalagaan ang kanyang mga bulaklak, samantalang madilim ang kanyang tinitirhan, ibinunyag niya ang kanyang sikreto.
Tugon ni Alice, “Nakakapasok sa iskinita ang isang maliit na sinag ng araw. Pagdampi ng araw, inilalagay niya ang tanim sa daanan nito. Habang gumagalaw ito, sinusundan din niya ang araw habang inuusog niya ang tanim sa daanan nito.”
Sa araw ng Pasko, pinapaalala sa atin na ang pagdating ni Hesus sa ating buhay ay tulad ng sinag ng araw sa madilim na iskinita ng ating buhay. Kailangan nating saluhin at sundan ang pagdating nito upang laging maliwanagan ang buhay. Ipagdasal nating huwag manatili sa dilim, kundi, kusang sundin ang Liwanag ni Hesus upang mamukadkad sa ating buhay ang saya at kapayapaan na ating laging hinahangad.