Huwag Limutin ang mga Bagay na Hindi Napapawi Magpakailanman

Sa panahon ng Kuwaresma o Lent, pinagninilayan natin ang mga mahahalaga sa ating buhay. Kasama sa pinag-iisipan ang halaga ng mga materyal na bagay. Meron akong kuwento. Si Lolo Jose at ang kanyang apo na si Henry.
Sabi ni Henry: Paglaki ko, sisiguraduhin kong ma-abilidad ako.

Tanong ni Lolo: “Pagkatapos?”

“E, di magkakaroon ako ng business,” sabi ni Henry. “Tapos?” sagot ni Lolo.

“Tapos, yayaman ako. Magtatayo ako ng malaking bahay.” “Tapos?” tanong ni Lolo.

“Tapos, tatanda ako, mare-retire, e-enjoyin ko na ang aking pera.” sabi ni Henry.

“Tapos?” tanong uli ni Lolo. Nainis na si Henry, “E pagkatapos, mamatay na ako.”



Sagot ni Lolo Jose, “Pagtapos mamatay, anong mangyayari?”  


Mga kaibigan, meron ka bang ambisyon na maaaring may sagot pa rin sa huling tanong ni Lolo Jose? Pag-ibig kaya? 


Pagdasal nating hindi natin makaligtaan ang mga bagay na hindi mapapawi kailanman. 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s