6 Hulyo 2010 Martes ng ika-14 ng Taon
Hosea 8, 4-13; Psalm 115; Matthew 9, 32-38
Maraming mga “demonyo” ang nasa ating nakaraan at kasalukuyan na napipigilan tayong maging malayang makapagsalita o maging totoo. Ilan ba sa atin ang may sikretong tinatago? Ilan ba sa atin ang hindi makapagsalita ukol sa mga masasamang bagay na nakikita natin? Sinisikmura na lamang ito dahil manganganib ang ating pangalan, trabaho, pamilya’t kaibigan? Halimbawa, maraming empleyadong alam ang mga kaduda-dudang proyekto sa gobyerno. At dahil dinadala natin ito sa habang panahon, laging binabantayan natin ang ating sarili. Nawawala na ang ating pagiging spontaneous or pagiging malayang-malaya maging totoo.
May mga taong nagsalita na. Mga taong hindi na takot ilabas ang kinikimkim. Nais na nilang maging mapayapa ang kanilang konsyensiya. Ikaw, handa ka bang magsalita na?
Fr Jboy! 🙂 Ang galing po! Praise GOD! Your blog is so inspiring! 🙂 Let's continue to spread the Word on the World Wide Web! 🙂 Please add me on your blogrolls po: http://www.trulyrichmom.com 🙂 Thanks a lot po! Godbless us all!
LikeLike
Fr. JBoy…tinamaan ako dito! Gandang mag-reflect dito…Thanx!
LikeLike
Hey Tina! Sure I will. Salamat Salamat. Check out the other blog at jboygonzalessj.wordpress.com Thanks.
LikeLike