Hiningi na ba ng Diyos ang Lahat sa Iyo?

24 Mayo 2010. Lunes ng ika-8 Linggo ng Pagkabuhay
1 Peter 1, 3-9; Psalm 111; Mark 10, 17-27


Upang makamit ang Kaharian ng Diyos, hinihiling ni Hesus ang pagbibigay na taos-puso at lubusan. Walang iniiwan, binibigay ang lahat. Walang kinikimkim na kahit konti, hinihingi ang lahat kahit natirang katiting. Mahirap ibigay lahat kapag mayaman. Mas madali magbigay ng lahat, kung wala gaanong kayamanang maipagyayabang.

Ganito din ang hinihiling sa atin. Kung kasukdulan ang pag-aalay ng buhay para sa kaligtasan natin, gayon din ang pagmamahal na inaasahang ipapakita natin sa Diyos at kapwa. Dahil dito, bukal sa loob nating maghanap-buhay para sa ating pamilya. Taos-puso ang pagbibigay ng sarili sa pag-aaral para sa ating magandang kinabukasan. Ibinubuhos natin ang sarili sa lahat na responsibilidad natin sa buhay. Sa pamamagitan lamang ng walang hanggang pag-ibig nakakamtan natin ang langit.

1 Comment

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s