30 Abril 2010. Biyernes sa ika-4 na Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay.
Acts 13, 26-33; Psalm 2; John 14, 1-6
Note: This article appears in Pandesal 2010, the bible diary of the Claretian Publications.
Maraming paraan upang makarating sa kaluwalhatian. Iba’t ibang istilo ng pagdarasal. Iba’t ibang paraan ng kabuhayan. Iba’t ibang mga santo na maaaring nating gawing huwaran sa buhay. Isang daan tungo sa Diyos ang bawat banal na pinaparangalan natin sa simbahan. Ngunit iisa ang kanilang sinusundan at tinatangi: si Hesus na siyang daanan tungo sa Ama.